Sa pahinang ito ang aking paboritong website na ang Youtube at nakatutulong sa akin sa paggawa sa website na ito.
Bakit nga ba youtube kung pwede naman facebook o pinterest at yung iba pang website diyan. Ito yung sagot ko, kasi ang youtube ang nagpabigay sa akin ng lakas sa paggawa sa website na ito. No joke! Kasi late na akong matulog nung gumagawa ako sa website na 'to, kaya naman para mawala ang antok ko nanonood ako ng mga anime o mga nakakatawang videos sa youtube.
Nanonood din ako ng mga gameplay videos ni Pewdiepie. Yung sa mga hindi nakakilala sa kanya, siya ay isang youtuber na may pinakamaraming subscriber. Nakakatawa yung mga videos niya kaya naman yung pagod at antok ko ay nawala.

May iba't-ibang videos na makikita sa youtube, may mga tutorials sa paglalagay ng make-up, drawing, at iba pa. Nakakapanood din ako ng mga anime at Ghost Adventures sa youtube. Talagang marami tayong makikitang videos, nakakatawa man, nakakatakot o nakakalungkot. Pwede din educational videos ang makikita niyo doon. Basta dahan-dahan lang sa paggamit nito at huwag pasobrahan.
Sources (pictures): Google and Pinterest